Ang aklat ang pangunahing instrumento ng alinmang kabihasnan para magsilbing bukal ng kaalaman.Samakatwid, ang aklat ay isinulat ng mga indibidwal o grupo ng mga indibidwal na higit ang kaalaman sa nakararami upang ibahagi at ipaunawa sa sambayanang kinabibilangan ang kanilang pananaw, pag-unawa, pamimilosopiya at pagbabakasakali sa iba't ibang bagay na nakikita at naririyan sa paligid, lalo na sa larangan ng agham, matematika, wika, pulitika, relihiyon at kabuhayan.
Hindi maitatanggi na hanggang sa kasalukuyan ay nariyan pa rin ang aklat, hindi lamang upang magsilbing bukal ng kaalaman kundi maging instrumento rin ng kabuhayan sa panig ng manunulat nito.Dahil sa yamang hatid ng aklat sa isip at bulsa ng may kaugnayan sa usaping ito, unti-unting lumago ang industriya ng paglilibro o textbook industry sa Pilipinas. Dumami ang mga publishing houses at manunulat ng aklat para sa iba't ibang disiplina, ultimong aklat tungkol sa pangkukulam at pagpapatawa ay pinatulan na rin.
Animo'y feeding session ang imahe ng maraming paaralan (mababa o mataas) kolehiyo at unibersidad dahil sa pagdagsa ng maraming aklat na ibinebenta sa mga estudyante, lihitimo o patago.
Tanong ng estudyante ko,"sir, mahal ba talaga ang aklat?" Sagot ko, "depende sa libro". Ganito kasi 'yan.
Merong dalawang mukha ang industriya ng paglilibro sa Pilipinas: unang pisngi, lihitimo at legal; ikalawang pisngi, blackmarket at ilegal.
Ang tinutukoy kong lihitimo at legal ay yaong pinayagan ng republika ng Pilipinas na magkalakal ng aklat. Ibig sabihin ang lihitimong publisher (o publishing entity) ay nagtataglay ng mga sumusunod na dokumento: barangay at mayor's permits na nire-renew taun-taon (kung saang lugar nakapangalan ang publishing office); certificate of business name registration mula sa Department of Trade and Industry (DTI), hindi sapat ang dokumentong ito para makapagbenta ng aklat ang isang publisher o author, malinaw na nakasulat sa ibaba ng naturang dokumento ang "This certificate is not a license to engage in any kind of business and valid only at the place indicated therein"; certificate of registration (COR) mula sa BIR kasama ang mga resibo, apat na libro (bcr, bcd, journal at ledger); at membership sa isa sa prestihiyosong samahan o board ng paglalahathala. Ang lihitimong publisher ay merong mga indibidwal na binabayaran bago ilathala ang isang aklat tulad ng: book and cover designer; isbn at copyright fees sa national library; editors; copy reader; proof readers; layout artists; printing costs (type of paper, size of book, cover); at iba pang trabahador para mailathala at maibenta ang aklat. Tuwing ika-20 araw ng bawat buwan ay kailangang mabayad ng tax ang publisher sa bir (depende pa kung vat o non-vat ang rehistro); gayundin every quarter at annual sa kinita ng aklat kaya ugaliing humingi ng resibo tuwing merong ganitong transaksiyon o kalakalan; binabayaran din ng publisher ang accountant para sa pagtatala sa apat na libro ng bir. isipin na lamang kung magkano lahat ang ibinabayad ng isang lihitimong publisher sa mga may kaugnayan sa aklat? Kaya, huwag magtaka kung bakit mataas ang benta sa libro. Nadadagdagan ang mababang presyo ng aklat. Kailangang gawin ito ng publisher, dahil kung hindi mamatay ang industriya ng paglilibro. Hindi lamang 'yan ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng aklat. Sa sandaling ialok ang aklat sa maraming paaralan, kolehiyo at pamantasan ay lalo pang tataas ang presyo nito na tanging mga estudyante ang magpapasan sa nadagdag na bayarin. Bakit? Bago kasi payagan ng mga opisyal ng maraming paaralan (hindi naman lahat dahil may iilang opisyal ng paaaralan na nakikisimpatya sa kahirapan ng mga estudyante, kung baga may puso sila... parang saging.. mabuti pa nga ang saging may puso), hihingi muna ang mga ito ng "cut", "lagay/padulas/suhol" o "kikbak" mula sa publisher na nag-aalok ng aklat bago ito payagang makapasok sa mga klasrum. halimbawa: ang suggested retail price (srp) ng isang aklat ay 100 pesos (depende sa pahina, sukat, disenyo, nilalaman at taon ng lathala), madadagdagan itong presyo dahil ang superintendent/presidente ng paaralan ay maaaring humingi ng 10%; principal/dean.director 10%; coordinator/area chair 5%; teacher o prof na gagamit 10%; "assistants" 5% plus mga regalo tulad ng flat screen tv, trip to asian countries, minsan pa nga kotse, celfons, at iba pang katulad nito. Kung smart ka sa aritmitik, masyadong halata kung magkano ang patong o dagan sa aklat na dating nagkakahalaga ng isandaang piso. Ibig sabihin, ang isang estudyante na gumamit ng naturang aklat ang nagbayad ng lahat ng padulas, kikbak, regalo at iba pang katulad nito na ibinigay ng publisher sa mga opisyal (hindi lahat) ng paaralan, kolehiyo at unibersidad, mapa publiko, pribado at relihiyoso.
Samantala, ang tinutukoy ko namang "balckmarket" at ilegal na publisher ay yaong nagtataglay ng mga sumusunod: peke ang mga dokumento tulad ng barangay, mayor, dti at bir permits na ipinakikita sa transaksiyon; nag-iisyu ng pekeng resibo na may kinopyang cor number ng bir; walang binabayarang editors (kasi self-editing); estudyante o kamag-anak ang hina-hire na typist para walang bayad (katiting kung meron man); walang book at cover design (kumbaga maski paps lang); walang isbn (kung meron man ay fabricated lamang, hindi pa alam kung saang bahagi ng aklat ito ilalagay); karamihan sa gawa ng kanyang author/s ay copy pasted mula sa internet (minsan pati illustration kasamang pinirata at nakalimutang alisin ang simbolo ng copyright na nasa ibaba ng imahe); walang gaanong binabayarang tao o trabahador; at halos walang kalidad ang aklat mula sa front cover hanggang back cover. Ang masaklap ay ipinapantay ang presyo ng libro sa halaga ng mga aklat na kinakalakal ng mga lihitimong publishers. Madalas, ang ganitong mga aklat ang namamayagpag sa mga paaralan dahil higit namalaki ang "kita" ng maraming school officials kumpara sa lihitimong lathala. Para malaman ng isang estudyante kung copy pasted mula sa internet ang aklat na ginagamit, i-type lamang sa yahoo o google ang unang linya ng pangungusap at kung kinopya nga, kusang tatambad sa monitor ng computer ang maraming links. Check it out kung alin ang sayt na pinagkunan ng entry para malaman kung sariling likha ang aklat.
Palagay ko naman, medyo malinaw na kung bakit mataas ang presyo ng aklat na ginagamit sa mga paaralan, pamantasan at kolehiyo.
Ang susunod kong tatalakayin ay ilang kalokohan at pandaraya ng maraming publishers, authors, printers at ahente (hindi lahat) tungkol sa paglalathala at pagbebenta ng aklat mula Batanes hanggang Jolo. Abangan ang Part II ng "Textbook: A Milking Cow"...

شركة مكافحة البق بالدمام
ReplyDeleteشركة مكافحة البق بالخبر
شركة مكافحة البق بالجبيل
شركة مكافحة حشرات بالاحساء
شركة مكافحة حشرات بالقطيف